ngá•sol 1: pagmamadalî sa paglalakad o sa pagsasalita 2: senyas na ginagawâ ng isang tao kapag napasò ang bibig ng pagkain 3: pagkompás
ngat•ngát : pagsirà sa anumang bagay sa pamamagitan ng pagkagat gaya ng ginagawâ ng áso, dagâ, o pusa
ngát•ngat 1: sapilitang pagbubuka sa bibig ng iba 2: away na nauwi sa bugbugan 3: pagpapalaki, hal ng bútas