pag•ba•lí•kat 1: kilos upang dalhin sa pamamagitan ng balikat 2: kilos upang tumupad sa isang tungkulin.
pag•bá•sa 1: kilos o praktika ng isang nagbabasá 2: pagtunghay at pag-unawa sa nakasulat 3: pag-unawa sa senyas at palatandaan 4: pasalitâng interpretasyon ng nakasulat na wika 5: kaalamán hinggil sa pantikan 6: pagtatanghal na may kasámang pagbigkas ng akda, gaya sa pagtatanghal ng dula o tula
pag•bi•bi•gá•yan 1: pagpapalitan ng regalo o anu-mang ipinamimigay 2: a pagbibigay ng daan o pagkakataon sa isa’t isa b páraánan2.
pag•bi•bi•gáy-da•ngál : isang bagay na nagta-taas sa karangalan ng bayan, lipunan, at anumang kinabibilangang institus-yon