paraldehyde (pa•rál•de•háyd) : siklikong polymer ng acetal-dehyde na ginagamit bílang narkotiko at pampakalma.
pa•ra•le•lís•mo 1: ang posisyon o kaugnayan sa paralelo 2: pag-ayon ng direk-siyon o karakter 3: ang pagkaka-ugnay ng bawat isa ngunit walang sanhi ng pagkakaroon ng relasyon o inter-aksiyon
pa•ra•lé•lo 1: magkaagapay at hindi nagtatagpo ang mga dulo 2: magkatulad 3: nangyayari nang magka-sabay
pa•rá•li 1: pahayag na nakasisira sa kapuwa 2: pagmamagaling o paghahambog hinggil sa sariling tagumpay o naabot
pa•ra•líp•sis : paraan ng pagbibigay-diin sa isang paksa sa pamamagitan ng pagsasabi nang kaunti lámang o hindi pagsasabi ng anuman.