pag•dib•díb 1: kilos o paraan ng puspusang pagtatrabaho 2: pagsamâ-ng-loob o pagkakaroon ng hinanakit.
pag•di•di•ín 1: kilos o paraan ng pagpatong sa isang bagay 2: pagbibigay ng bigat sa salita o pangungusap 3: pagdaragdag ng patunay.
pag•di•wa•tà : ritwal bílang pagdiriwang sa masaganang ani, kasal, at iba pang magandang pang-yayari.
pag•du•du•gô 1: paglabas ng dugô mula sa sugat o ilong kung may balinguyngoy 2: malakas o marami-hang paglabas ng dugô mula sa putól na ugat 3: katulad ng mala-king pinsala dahil sa pagkawala ng mahalagang tao o puhunan
pag•du•lóg 1: kilos o paraan ng paglapit o paglitaw sa harap ng táong may kapangyarihan, gaya ng pagdulóg sa hukuman 2: pagpunta upang humingi ng tulong, gaya sa pagdulóg sa pulis o pagdulóg sa himpilan ng radyo 3: pag-upô sa paligid ng mesa upang kumain 4: paraan ng pagtanaw o pagbása.