pa•tó•lang gú•bat : baging na hugis puso ang dahong nahahati sa lima o pitong pilas, malakí at putî ang bulaklak, at matingkad na pulá ang bilóg na bunga
pa•tó•lang u•wák : baging na magaspang, may malapad na dahon, murang dilaw ang bulaklak, malaki at hugis itlog ang bungang may tíla mga tinik
pá•tong 1: bagay na may bigat at inilalagay sa ibabaw ng isa pang bagay 2: paglalagay ng anu-mang bagay sa ibabaw 3: pataw3 4: kawáyang-kilíng
pá•tong la•bu•yò : bibe (Anas platyrynchos) na maamo at itinuturing na pinakama-gandang uri sa mundo.
pa•tós 1: nagulo o naiba ang ayos dahil sa pagkakahagis nitó, gaya sa laro ng barya 2: naubos lahat; tinalo lahat.
pat•pá•tan 1: patpat na inila-lagay ng mga manghahabi sa mga sinulid na paayón sa paghahabi 2: táya1.