pag•ka•ká•ta•ón 1: pangyayari o kalagayan na nagpapahintulot o nagdudulot ng po-sibilidad na mangyari ang isang bagay 2: paborableng sitwasyon o kalagayan upang gawin ang isang hakbang sa pagtupad ng isang tunguhin o layu-nin 3: tsansa3 4: koinsidensiya.
pag•ka•ka•tá•tag, pag•ka•ka•ta•tág : kilos, paraan, o petsa ng pagbuo sa isang kapisanan, kompanya, komunidad at katulad
pag•ka•lik•hâ 1: ang katunayan ng pagiging likhâ 2: kilos o paraan kung paano nalikhâ ng isang tao ang isang bagay.
pag•ka•mu•lát 1: pagiging gisíng o nakabukás ang matá 2: maláy hinggil sa katotohanan o katunayan ng bagay-bagay 3: pagiging edukado.