pag•pa•pa- : pambuo ng pangnga-lan, mula sa pandiwang nása anyong magpa- at nangangahulugan ng paraan sa paggawâ ng isang bagay, hal pagpapadalá, pagpapatubò.
pag•pa•pa•ba•yà : pag-iwan o pagiging kulang sa was-tong pangangalaga at pag-iingat sa tungkulin o gawain
pag•pá•pa•ha•la•gá 1: pagkilála at pagtatamasa sa magandang katangian ng isang tao o bagay 2: pagpapasa-lamat para sa isang bagay 3: matalik na pag-unawa sa halagang pansining o kasiningan ng isang bagay 4: sulatín na nagpapa-hayag ng pagkilála, pag-unawa, o pagpapasalamat
pag•pa•pa•ha•yág 1: paraan ng pag-sasabi ng panig o opinyon 2: paraan upang ipaalam sa madlâ ang isang bagay.
pag•pa•pa•ka- : pambuo ng pang-ngalan, mula sa pandiwang nása anyong magpaka- at nangangahulu-gan ng pagsubok sa isang bagay na mahirap gawin, hal pagpapakabuti, pagpapakagalíng.