pa•kó•nat 1: pagsasabi ng matatamis na salita upang paliga-yahin ang ibang tao 2: pagbibigay ng isang bagay upang tumahimik ang binigyan.
pa•kông-a•lag•dán : uri ng pakô na mataba ang tangkay at balót na balót ng makintab at kulay kapeng kaliskis.
pá•kong-bak•yâ : uri ng pakô (Cyathea contaminans) na itim ang punò, tíla tirintas ang mga ugat, matinik ang uhay ng dahon, at may tíla kaliskis kung murà.
pa•kông-gú•bat 1: dapong (Asplenium musi-folium) maikli, makaliskis, patulis ang dulo ng mga ugat, mataba at malapad ang dahon, at mabisàng pampaihi 2: eletsong may mga kaliskis na kulay kape, manilaw-nilaw ang ilalim, at nagagamit na gamot sa sakít sa bato.
pa•kông-ka•la•báw : uri ng pakô (Angiopteris palmiformis) na mataba, kulay kape, at napakaliit, hugis tatsulok ang uhay ng dahon, at karaniwang tumutubò sa tabi ng sapà, lawa, o gubat
pa•kông-lá•ot : uri ng pakô (Acrostichum aureum) na tuwid ang katawan, may makapal at malamáng mga risoma, karaniwang tumutubò sa mga pinák at maputik na pook
pa•kông-pá•rang : uri ng pakô na karaniwang matatagpuan sa parang at karani-wang iniinom ang pinaglagaan ng sariwang dahon.
pa•kông-ró•man : uri ng pakô na makapal, makatas, makinis ang tangkay, at karaniwang matatagpuan sa parang.
pa•kông-tu•lóg : uri ng pakô na umuurong ang dahon kapag tuyo, ngunit bumubuka at nagiging lungti muli kapag nabasâ.