pa•ló•ot : salitâng Bisaya ngunit ginagamit din ng mga Tagalog, pagtatalop sa pipino, pinya, at katulad.
pa•lò•pa•lò 1: piraso ng ka-hoy na ginagamit para sa pagpalo ng nilalabhan 2: uri ng maikli at maitim na isda.
pa•lós : isdang-tabang (family Anguillidae), kahawig ng igat, may maliliit na kaliskis at may palikpik sa likod hanggang buntot
pá•lo-sán•to 1: kamagsâ 2: punongkahoy (Triplaris cumingia-na) na salítan ang biluhaba at mala-pad na dahon, at may bulaklak na puláng mapusyaw, katutubò sa tropikong Amerika.
pa•lós-bu•há•ngin : isdang tíla maliit na palos (family Congridae, subfamily Heterocongrinae), maliit ang bibig, pabilog ang ulo at katawan, at nakatirá nang pangkat-pangkat sa mabuhanging pook
pa•lo•sé•bo : uri ng laro na inaakyat ng kalahok ang tagdang kawayan na madulas dahil kinulapulan ng mantika at may naka-laang gantimpala sa tuktok
pal•pál 1: pagkakaroon ng bará o takip na mga naipong kahoy, kawayan, o dahon 2: pagsiksik sa anumang ipinapasok o isinisilid, gaya sa relyeno 3: maliit na pira-so ng kakanín 4: pamalo na gawâ sa kahoy 5: suyod na kawayan, at ginagamit sa pagpino ng lupa bago tanimán 6: sa basket-bol, pagpalo o pagharang sa bolang ibinubuslo ng kalaban