pa•la•bà 1: gasuklay1 2: labis na pagpapatubò gaya ng pagpapau-tang na may 20 porsiyentong interes buwan-buwan
pa•la•bás 1: pagta-tanghal sa teatro at telebisyon 2: kunwa-kunwariang gawain upang makapanlinlang 3: kata-ngian ng tradisyonal na panitikan, lalo ng tulang binibigkas, na may layuning magpaunawa sa madla
pá•la•bá•san 1: entablado o pook para sa pagtatang-hal ng dula o programa 2: kasang-kapan para lumabas ang isang bagay gaya ng palabasan ng tubig o poso 3: karaniwang oras ng paglabas sa opisina ng mga empleado.
pa•la•bay•bá•yan 1: sining ng tamang pagbaybay at pagsulat ng mga salita ayon sa tamang pamantayan o ga-mit 2: bahagi ng balarila tungkol sa mga titik at pagbaybay 3: metodo ng pagbaybay, tulad ng paggamit ng alpabeto o ibang sistema ng mga simbolo