pan•di•di•là 1: kilos o paraan ng paglalabas ng dila para ipahayag ang gálit sa isang tao 2: kilos o ugali na padaanan ng dila ang isang bagay.
pan•dík•dik : mabi-gat na kasangkapan na may bilog na dulo, ginagamit para sa pagdurog at pagpulbos ng mga substance gaya ng gamot, butil ng paminta, o bawang sa isang dikdikan
pan•di•líg 1: tubig na inilaan para sa pagdilig ng haláman 2: kasangkapan para sa pagdidilig ng haláman, hardin, o damuhan.
pan•di•wàng ka•ta•wá•nin : anyo ng pandiwa na hindi nangangailangan ng tuwirang layon upang mabuo ang kahulugan
pan•di•wàng pa•li•pát : anyo ng pan-diwa na nangangailangan ng tuwirang layon upang mabuo ang kahulugan
pan•di•wàng pam•pa•ki•ú•sap : anyo ng pandiwa na nagpapahiwatig ng paghiling o pakiusap, nilalapian ng maki- at paki-, hal makihingi, pakisara
pan•di•wàng pan•tú•long : pandi-wang ginagamit sa pagbuo ng pana-hunan, panagano, at iba pang anyo ng pandiwa