pa•nga•nga•i•lá•ngan 1: anumang kulang o hinahanap, gaya ng pangangailangan sa pagkain o salapi 2: anumang hindi maaaring iwasan o kaligtaan
pa•ngá•nga•la•gà 1: ang pagdudulot ng anumang kailangan para sa kalusugan, kapa-kanan, at proteksiyon ng anuman o sinuman 2: taimtim na ingat at pagsasaalang-alang sa ginagawâ upang maiwasan ang pinsala o panganib
pa•ngá•nga•lu•lu•wá 1: pananapa-tan sa bisperas ng Todos los Santos, inaawitan ng nananapatan ang nása tahanan upang kunwa’y maawa sa kanila na mga kaluluwang naligaw mula sa purgatoryo 2: awit na gina-gamit sa naturang pananapatan.
pa•nga•nga•lu•ma•tá 1: pagkakaroon ng itim na bílog sa paligid ng matá dahil sa kawalan ng tulog 2: pakiramdam nang labis na págod o panlalambot ng katawan dahil sa púyat.
pa•ngá•nga•lum•ba•bà : pagsaló sa babà sa pamamagitan ng palad o nakatikom na daliri, karaniwan kung nakaupô.
pa•nga•nga•má•tis 1: pagtitipon o pag-ani ng mga bunga ng kamatis 2: pagiging mapulá at magâ, gaya sa bagong tulì.
pa•nga•nga•nák 1: kilos, panahon, o paraan ng paglabas ng sanggol mula sa sinapupunan ng ina 2: anumang katulad nitó var panganák
pa•nga•ngá•nay 1: panganay na sanggol 2: pagbu-buntis sa unang pagkakataon 3: pagdanas ng sakít sa unang pagkaka-taon, gaya sa pagsisilang ng panganay o pagbubunsod ng proyekto.