pa•na•na•gót 1: kilos o ugali ng pagsagot, karaniwang magaspang o bastos 2: kilos upang tupdin ang responsabilidad o tung-kulin ng isang tao 3: pagiging garan-tor.
pa•na•na•gú•tan : tungkuling magtuos at maglinaw hinggil sa isang gampaning pinangasiwaan o hinawakan
pa•na•na•kít 1: kilos o paraan ng pagdudulot ng hirap o parusa sa kapuwa 2: pakiramdam ng kirot, gaya sa pananakit ng likod.
pa•na•na•la•mín 1: kilos ng pagtingin sa sarili sa harap ng isang salamin, gaya sa kung nag-bibihis o inaayos ang sarili 2: pag-gamit o pagsusuot ng salamin sa matá.
pa•na•na•la•pî 1: pamamahala sa malakíng halaga ng salapi, lalo na sa pamamagitan ng pamahalaan, gaya sa gawain ng Kagawaran ng Pananalapi 2: salapi para itustos sa isang proyekto 3: ang mga pintungan at gawain kaugnay ng salapi ng isang bansa, kapisanan, o tao