pang- : pambuo ng pangngalan o pang-uri na nangangahulugang ka-sangkapan o gámit, hal pang-ipit var pan-, pam-.
pa•ngá 1: balangkas ng bunganga ng mga ver-tebrate na binubuo ng mabuto o makartilagong estruktura 2: isang uri ng sasakyang-dagat 3: balangkas ng bangka 4: kawit sa sung-kit 5: sanga1.
pang-á•bay : salita o parirala na nagtuturing sa ka-tangian ng isa pang salita o pangkat ng mga salita, lalo na ng pandiwa, pang-uri, o kapuwa pang-abay, at nagpapahayag ng ugnayan sa pook, panahon, paraan, sanhi, antas, at katulad
pang-á•bay pa•ma•na•hón : pang-abay na nagsasaad ng panahong pinangyari-han ng anumang bagay o gawain, hal kahapon, ngayon, búkas
pang-á•bay pa•ma•ra•án : pang-abay na tumutukoy sa paraan, anyo, kilos, at buod ng pagganap o pangya-yaring isinasaad ng pandiwa, hal “Siya’y lumakad nang marahan.”
pang-á•bay pa•mi•tá•gan : uri ng pang-abay na nagpapakíta ng paggálang o pagsasaalang-alang, hal “Ayaw hong sumunod ang inyong anak.”
pang-ábay pa•nang-á•yon : pang-abay na nagpapahiwatig ng pagsang-ayon o pagpapatibay, hal “Siya ay naparito ngâ.”