pa•nga•mán : anak sa unang asawa na isinama ng biyudo o biyuda sa pangalawang pag-aasawa, anak na lalaki ng asawa sa unang asawa nitó
pang-a•móy : isa sa limang pandamá na ginagamit sa pag-alám ng amoy o anumang katu-lad sa pamamagitan ng ilong
pa•ngá•nay 1: pagiging buntis sa unang anak 2: unang anak ng mag-asawa at pinakamatanda sa lahat ng anak
pa•nga•nga•i•lá•ngan 1: anumang kulang o hinahanap, gaya ng pangangailangan sa pagkain o salapi 2: anumang hindi maaaring iwasan o kaligtaan
pa•ngá•nga•la•gà 1: ang pagdudulot ng anumang kailangan para sa kalusugan, kapa-kanan, at proteksiyon ng anuman o sinuman 2: taimtim na ingat at pagsasaalang-alang sa ginagawâ upang maiwasan ang pinsala o panganib