pa•re•go•ri•kó 1: gamot na pampakalma ng kalam-nan 2: kampo-radong tintura ng opyo, ginagamit upang pigilin ang pagtatae
pa•re•híl : yerba (Petroselinum crispum) na may aro-matikong dahon na ginagamit na pampalasa sa pagkain
Parental Guidance (pa•rén•tal gáy• dans) : paalala na kailangan ang patnubay ng mga magulang sa isang batàng manonóod ng palabas sa sine o telebisyon o magbabasá sa internet
Parent Teacher Association (pé•rent tít•ser a•so•si•yéy•syon) : lokal na organisasyon ng mga magu-lang at guro upang mapaglapit sila at mapabuti ang pasilidad na pang-edukasyon at pampaaralan
pá•res 1: dalawang magkahawig at magkatulad na bagay para sa magkasámang paggamit 2: paghahati sa dala-dalawa.
pá•res-pá•res 1: laro sa baraha na pabilisan sa pagkuha ng tatlong magkakapares na numero 2: pára-pára 3: dalá-daláhan 4: dalawang ulam na order.