pa•tíng 1: malaking isdang-alat (family Scyliorhinidae) na may labindala-wang species sa Filipinas, mabangis, at may 250-300 maliliit ngunit matutulis na ngipin 2: kalapáti1
pa•tíng-sud•sód : napakala-kíng isdang-alat (family Rhynchoba-tidae, Rhynchobatus djiddensis) na kahawig ng pating, may sapád na likod na itim at may mga bátik na putî
pá•tin•té•ro : larong naghaharangan at naghuhu-lihán ang magkakalaban sa isang serye ng mga kuwadranggulong guhit
pa•ti•ra•pâ : pagsusu-mamo na may kalakip na pagluhod at pagdapa sa harap ng tao na hini-hingan ng patawad o awa
pa•ti•tís : pabigat na ting-gà na nakakabit sa kagamitang gabay sa pagtutuwid ng itinirik na haligi at iba pa.