pa•tó 1: pagdadalá ng mabibigat na bagay, o ang kakayahang madalá ang mga ito sa paroroonan o pagha-hatiran 2: kalagayang ubos o simot.
pá•to 1: pangkalahatang tawag sa ibong tubigan (family Anatidae) na may palapád na tukâ, maikling biyas at may salá-saláng mga daliri ng paa 2: ilahas na ganitong ibon
pá•tol 1: sa pagluluto ng munggo, ang butil na hindi naluluto dahil sadyang hindi na lumalambot 2: epilepsiya.
Pa•to•là Ka•o•rá•yan 1: sa Darangan, kasuotang panlalaki na nagiging tagabulag ng tao na magsuot nitó 2: bordadong sintu-ron na may bisang tagabulag.
pa•tó•lang gú•bat : baging na hugis puso ang dahong nahahati sa lima o pitong pilas, malakí at putî ang bulaklak, at matingkad na pulá ang bilóg na bunga
pa•tó•lang u•wák : baging na magaspang, may malapad na dahon, murang dilaw ang bulaklak, malaki at hugis itlog ang bungang may tíla mga tinik