quodlibet (kwód•li•bét) 1: paksa ng argumento o debate 2: nakatátawáng komposisyon na binubuo ng dalawang nagkakaisang melodiya, karaniwang gumagamit ng kilaláng tono na inaawit at tinutugtog nang sabay
quodlibetz (kwód•li•béts) : ipinintang palamuti sa seramiks, letra, baraha, at iba pang maliit na bagay
quoin (kwoyn, koyn) 1: panlabas na sulok ng gusali, lalo na ang malakíng bató na pampa-tibay sa sulok 2: ansal 3: kunyás
quoit (kwoyt) 1: laro na ginagamitan ng argolyang inihahagis upang sumuot o sumuklob sa isang tulos 2: argolyang gamit sa larong ito
quorum (kó•rum) 1: bílang ng mga dumadalong kasapi upang maisagawâ ang isang transaksiyong legal; karaniwang ang mayorya 2: pilìng pangkat
quota (kó•ta) 1: bahaging inaasahan sa o pinagmamay-arian ng isang distrito, estado, tao, o pangkat 2: takdang dami na nauukol sa bawat isa 3: bilang o dami ng mga tao na tatanggapin sa kolehiyo, organisas-yon, o programa
quote (kowt) 1: ulitin ang sinabi o sinulat ng iba 2: kalkulahin ang halaga ng proyekto o materyales ng proyekto
quo warranto (kwo wa•rán•tu) : atas ng hukuman na humihingi sa isang tao na patunayan ang kaniyang pinagbabatayan sa pag-angkin sa isang katungkulan, pribilehiyo, prangkisa, o pansariling kalayaan