quarry (kwár•i) 1: hukay na pinagkukunan ng bató, buhangin, marmol, at iba pa, sa pamamagitan ng pagpapasabog o pagtibag 2: mga hayop na tinutugis sa pangangaso 3: anumang bagay na hinahanap o tinutugis 4: quarrel4
quart (kwart) 1: yunit sa pagsúkat ng likido na katumbas ng sangkapat ng galón 2: anu-mang lalagyang naglalamán ng kapasidad na katumbas ng sangkapat ng galón
quarter (kwár•ter) 1: panahon na katumbas ng tatlong buwan; sangkapat na bahagi ng isang taon 2: sangkapat na bahagi ng isang oras; labinlimang minuto bago o matapos ang anumang oras 3: isa sa apat na magkasintagal na yugto ng laro 4: posisyon ng buwan sa pagitan ng bagong buwan at kabilugan 5: isa sa apat na bahagi ng isang taóng akademiko 6: kuwartel 7: alinman sa mga direksiyon ng kómpas
quarterage (kwár•ter•íyds) 1: a pagpapatuloy sa mga tropa sa isang pansamantalang tirahan b halaga ng nasabing akomodasyon 2: pansamantalang silungan o tirahan 3: pag-babayad tuwing sangkapat ng taon
quarterback (kwár•ter•bák) 1: sa larong futbol, ang man-lalaro sa likod ng nakahanay na mga manlalaro at nangunguna sa pagsu-long ng pangkat 2: posisyon ng manlalaro sa likod
quarter binding (kwár•ter báynd•ing) : estilo sa pagtahi ng aklat na katad ang ginagawâng spine at papel o tela ang gilid
quarter horse (kwár•ter hors) : isa sa mga uri ng kabayong inaalagaan sa Estados Unidos para sa malapitang karera
quartermaster (kwár•ter•más•ter) : opisyal na namamahala sa mga tirahan at sa pagtatalaga ng silid ng mga sundalo
quartet (kwár•tet) 1: pangkat na binubuo ng apat na kasapi 2: organisadong pangkat ng apat na manunugtog o mang-aawit 3: komposisyong pangmusika na may apat na tinig
quartile (kwár•tayl, kwár•til) : tumutukoy sa aspekto ng dalawang lawas pangkalawakan na nagkaiba sa longhitud ng 90°
quartz (kwartz) : isa sa mga pangkaraniwang mineral na maraming uri, iba’t ibang kulay at kinang, at nása pormang buo gaya ng haspe at kalsedonya o kristal
quartz clock (kwartz klak) : relong gumagamit ng osilasyon ng quartz na kristal sa pagkontrol ng dalasan ng halinhinang daloy sa mákiná ng relo