reader (rí•der) 1: tao na nag-babasá o bumabasa 2: aklat para sa pagtuturo at pagsasánay sa pagba-basá 3: tao na bumabasa at sumusuri sa mga manuskritong maaaring ilat-hala 4: tao na nagbabasa o bumibig-kas sa harap ng mga tagapanood o tagapakinig 5: tao na inatasang mag-basá nang malakas, gaya ng mga leksiyong mula sa Bibliya 6: lecturer o instruktor sa unibersidad 7: katu-wang ng isang propesor na nagma-marka sa mga pagsusulit, panana-liksik, at katulad
readership (rí•der•syíp) 1: mga mambabasa ng isang diyaryo, magasin, at katulad 2: bílang o dami ng mga ito
read-only memory (rid-ówn•li mé•mo•rí) : memory na nagbabasá nang mabilis ngunit hindi maaaring baguhin ng mga utos ng program
ready (réd•i) 1: handa; na-kahanda 2: kompleto ang paghahan-dang isinagawâ 3: nása hustong kon-disyon para sa kagyat na pagkilos o paggamit; maaaring gamitin anu-mang oras 4: kompleto, isinaayos, at handa para sa isang okasyon o layu-nin 5: agaran; madalian 6: nakalaan
ready-made (réd•i méyd) 1: gawâ na at maaari nang bilhin; hindi na kailangang i-order pa, gaya ng damit 2: para sa agarang paggamit 3: hindi orihinal 4: yari sa istandard na sukat
re•ak•si•yón 1: pagkilos túngo sa salungat na direk-siyon 2: pagkilos tungo sa konserbatismo sa politika 3: tugon sa isang impluwensiya, pang-yayari, at katulad 4: tugon na damdamin 5: a tu-gon ng katawan sa isang stimuli b masamâng tugon sa isang gamot 6: inter-aksiyon ng mga substance na dumadaan sa pagbaba-gong kemikal
re•ak•si•yo•nár•yo 1: tao na may tendensiyang sumalungat sa pagbabago at magta-guyod ng pagbabalik sa dating sis-tema 2: anumang laban sa progreso o lumalabag sa ba-tas ng pagsulong ng kasaysayan
re•ak•tí•bo 1: nag-papalakas ng reaksiyon 2: tumu-tugon sa halip na nagpapasimula 3: mahilig magbigay o gumawâ ng reaksiyon
re•ák•tor 1: tao o bagay na may reaksiyon 2: reaktor nuklear 3: bahagi na ginagamit upang magbigay ng reactance, lalo na ang isang inductor 4: aparato para sa reaksiyong kemikal ng mga substance 5: tao na may reaksiyon sa isang gamot
re•ak•tór núk•le•ár : isang aparato o estruktura na lumilikha ng enerhiya mula sa kontroladong reaksiyon ng mga pi-nasiklab na atomoss
re•ál 1: dating pilak na barya ng Espanya, katumbas ng 12.5 sen-timo 2: salapi sa Brazil, simula noong 1994
real acuérdo (re•ál a•kwér•do) : noong panahon ng Espanyol, desisyong napagkaisahan ng mataas na hukuman sa pamumuno ng go-bernador heneral
real audiéncia (re•ál aw•di•én•sya) : noong panahon ng Espanyol, kataas-taasang hukuman sa Filipinas na may gawaing tíla hu-kuman sa apelasyon at kasangguni ng gobernador heneral