receptor (re•sép•tor) : dulong organ o pangkat ng mga du-long organ ng sensory o mga neuron na espesyalisadong maging sensitibo sa estimulasyon
recess (ri•sés, rí•ses) 1: rises 2: papaloob o nakatagong bahagi o espasyo 3: bahaging papaloob sa isang hanay ng mga bundok
recession (ri•sé•syon) 1: pan-samantalang paghina ng mga akti-bidad o kasaganaan ng ekonomiya 2: pag-urong mula sa isang pook o punto 3: papaloob na bahagi ng ding-ding, gusali, at katulad 4: anumang bahaging umuurong 5: hanay ng mga tao na papalabas ng simbahan pag-katapos ng anumang seremonya o rit-wal
reciprocal (ri•síp•ro•kál) : ekspresyon o funsiyon na kaugnay ng isa pa na kapag pinagmultiplika ay magiging product ang isa
recital (re•sáy•tal) 1: pagta-tanghal ng isang programang pang-musika ng iisang musiko, mang-aawit, o ng isang maliit na pangkat 2: ka-tulad na pagtatanghal sa ibang lara-ngan, hal sa sayaw 3: bahagi ng isang dokumentong legal na nagsa-saad ng mga katunayan 4: pagsa-salaysay; pagkukuwento 5: detalya-dong pagsasaad
recitation (rés•i•téy•syon) 1: pagbigkas nang malakas ng tula o ta-lumpati sa harap ng mga tagapakinig o tagapanood 2: pagbanggit nang sunod-sunod 3: pabigkas na tugon ng isang mag-aaral sa kaniyang guro tungkol sa aralin 4: tula o anumang prosa na isinaulo at binibigkas
recite (ri•sáyt) 1: tumula o bumigkas ng isinaulong tula o talum-pati 2: tumugon, halimbawa sa tanong ng guro 3: magsalaysay o isalaysay 4: isa-isang isalaysay o sabihin nang sunod-sunod
reclaim (ri•kléym) 1: bawiin o ibalik muli ang karapatan, ari-arian, at katulad 2: angkinin muli 3: ga-wing kapaki-pakinabang ang lupang ilang, tubigan, at katulad 4: kunin muli ang mga substance sa anyong puro at kapaki-pakinabang mula sa itinapon o ibinasurang mga bagay 5: ibalik sa nais na paraan ng pamumuhay, idea, at katulad
recognize (rék•og•náyz) 1: kilalanin ang isang bagay o tao na dati nang kilalá; kilalanin muli 2: matuklasan ang katangian ng isang bagay o tao 3: aminin 4: kilalanin ang pag-iral, katunayan, o katangian 5: magpahalaga; pahalagahan ang tagumpay, serbisyo, o kagalingan 6: magpahalaga; pahalagahan ang tagumpay, serbisyo, o kagalingan 7: pormal na kilalanin bílang isang yunit na pampolitika 8: pansinin sa pamama-gitan ng pagbati, pakikipagkamay, o katulad 9: kilalanin bílang tunay na anak ang isang hindi lehitimong supling
reconnaissance (ri•kón•i•sáns) 1: pagsisiyasat, pagmaman-man, o pag-aaral sa posisyon, teritor-yo, at kakayahan ng kaaway 2: pag-susuri o pagsiyasat sa isang rehiyon o pook para sa layuning heolohiko, pang-inhinyeriya, at katulad 3: pagsuri sa pangkalahatang katangi-ang heolohiko ng isang rehiyon