re•pro•duk•si•yón 1: paggawâ ng kopya, represen-tasyon, o imitasyon 2: paglikha o paggawâ muli 3: pag-isip o pagkakaroon ng hulagway sa isipan ng dáti nang nangyari, eksena, o katulad 4: muling pagsasapelikula o pagsasadula 5: anu-mang nilikha sa pamamagitan ng pagkopya o pagsipi sa orihinal na akda 6: sa mga hayop at halaman, likás na proseso ng pagkakaroon ng ba-gong nilaláng, at pagpaparami at pag-papatúloy ng species
rep•tíl 1: alinman sa ma-kaliskis na vertebrate na kabílang sa class Reptilia, na binubuo ng mga pa-gong, butiki, ahas, buwaya, at katulad 2: a anumang hayop na gumagapang b napakasamâng tao
re•pub•li•ká 1: estado na ang mga mamamayan ang may hawak ng kapangyarihan at may karapatang bumoto at pumili ng kanilang mga kinatawan 2: anumang pangkat ng mga taong itinuturing na komonwelt 3: estado, lalo na ang demokratikong estado, na inihahalal ang pangulo ng pamahalaan
Re•púb•li•káng Ma•ló•los : unang re-publikang itinatag sa Filipinas at sa buong Asia noong 23 Enero 1899 at pinamunuan ni Emilio Aguinaldo
re•pub•li•ká•no 1: hinggil sa mga katangian ng isang republika 2: pumapanig sa republika 3: angkop o nararapat sa mamamayan ng re-publika 4: sa malakíng titik, tao na tagatangkilik ng Partido Republikano
re•pu•tas•yón 1: pangkalahatang puna o paniniwala hinggil sa katangian ng isang tao o bagay 2: kaaya-ayang palagay o pagkakakilála 3: magandang pagkakakilala ng publiko, lalo na ang pagiging matagumpay
rep•wér•so 1: pag-papalakas sa pamamagitan ng dag-dag na piraso, suhay, o materyal 2: pagpapalakas ng hukbong sandatahan sa pamamagi-tan ng pagdaragdag ng mga kawal at kagamitan 3: pag-papalakas upang maging higit na mabisà o epektibo 4: anumang nakapagpapalakas o nakapagpapatibay
request (ri•kwést) 1: paghi-ling o pakiusap na ibigay o gawin ang isang bagay 2: ang nakasulat na pahayag ng petisyon 3: ang hini-hiling, lalo na kung may magalang o pormal na pakikiusap
requiem (rék•wi•ém, rí•kwi•ém) 1: sa Katoliko Romano, a misa sa kaluluwa ng namatay b pagdaraos ng naturang misa 2: anumang ser-bisyo, imno, o akdang pangmusika na itinuturing na alaala sa namatay
requísa domicíliaría (re•kí•sa do•mi• síl•ya•rí•a) : noong pa-nahon ng Espanyol, bahay-bahay na paghahalughog