ra•ven (réy•ven) : mala-kíng uwak (genus Corvus) na may ba-lahibong maitim at makintab at hu-ning malakas at marahas
raw (ro) 1: hilaw1-2 2: krúdo 3: a tinanggalan ng balát; nakalantad b sensitibo dahil nakalantad nang walang balát 4: wala pang karanasan o kasanayan; baguhan 5: sariwa o bagong sugat 6: magaspang ang uga-li 7: hindi dinalisay, gaya ng asukal o langis
rá•wit•dá•wit 1: salitâng mabulaklak at maligoy na sinasambit ng táong madaldal 2: anyo ng pa-nitikan ng Bikol na may anyong ha-wig sa tula, berso, at awit
ray (rey) 1: sinag2 2: a alinman sa mga linya na tíla sini-sinagan ng liwanag na mula sa isang nagniningning na lawas b sa pagpa-palaganap ng radiant energy, tuwid at patayong linya sa harapan ng alon 3: tuwid na linya na dinaraanan ng radyasyon tungo sa isang punto 4: páge
rayon (réy•on) 1: alinman sa iba’t ibang himaymay ng tela na yarì sa viscose 2: telang yarì sa hi-maymay na ito
rá•yos 1: mga bára o rod na nakaayos nang pasinag mu-la sa gitnang bahagi ng gulóng at tu-mutukod sa rim 2: mga sinag, gaya ng rayos X
ra•yú•ma : anu-mang karamdaman na nagdudulot ng pamamagâ at kirot sa mga kasu-kasuan, kalamnan, o mga himaymay