sak•lób 1: malukong na pantakip sa palayok 2: pagkakapatong na magkaharap, gaya ng dalawang pinagtaklob na larawan 3: pagpapatong ng sombrero sa ulo 4: pagsososyo sa pamumuhunan gaya ng sa negosyo o sugal
sak•lóng 1: bantas na nagsa-saad na iisang yunit ang napapa-loob na bagay o kantidad 2: a bahagi ng linang na dapat tamnan b bahagi sa ani
sak•lót : biglaang pagdakma sa isang bagay na ibig kunin, karaniwan sa pamamagitan ng mga kuko o kamay
sak•mál 1: pagkagat ng hayop nang biglaan at mariin sa isang bagay, gaya sa pagsakmal sa karne 2: dakma o pagdakma 3: kilos o salita na pakítang tao 4: pagtanggap nang walang pag-aaral o pagsisiyasat
sá•kob 1: takip o pagtatakipan ng dalawang bagay upang hindi makíta ang isa 2: paglalagay ng isang bagay nang pabaligtad 3: tandáng1