sa•ngít 1: panahon kung kailan umiihip ang mainit na hangin 2: tao na mainit ang ulo at masakít magsalita 3: pagkapit upang hindi mahulog
sang•kál 1: paninigas ng súso dahil punô ng gatas 2: mga kurbada ng bangka na ginagamit na upuan 3: patpat na ginagamit sa pagha-habi
sang•ká•lan 1: makapal at karaniwang malakíng bloke ng kahoy na pinagtatadtaran at pinaghihiwaan ng gulay, karne, at iba pa 2: mga pinagkrus na bakal na ikinakabit sa bangka upang maging matibay 3: ang ginamit na dahilan upang makalusot sa isang kasalanan
sang•káp 1: bagay na bumubuo sa anuman o bahagi ng kabuuan 2: lahok o halò sa anuman, gaya ng sangkap sa pagkain