sa•pa•tíl•ya 1: tsinelas na pambabae na may mataas na takong 2: pitsa ng grípo o bómba ng tubig, karaniwang gawâ sa goma
sa•pá•tos : panlabas na proteksiyón ng paa ng tao, karaniwang gawâ sa katad at may matigas na suwelas
sá•paw 1: unang bunga ng punongkahoy 2: maagang pamumunga 3: unang sibol ng mga butil ng palay 4: paglitaw ng sakít sa balát 5: ápaw2 6: bangkang papunta sa laot 7: pagkalat ng tubig hanggang sa daanan at matakpan ang lupa 8: paglalagay ng mga bagay sa ibabaw ng iba 9: bubong ng kama o ng kulambo
sa•pì 1: paglahok sa isang samahán o lipunan 2: sa negosyo, pagsosyo sa puhunan 3: anumang pampatibay o nagpapalakas 4: anumang uri ng balat na kinulti 5: pagpútol ng sanga 6: pag-uusap ng dalawa ukol sa kanilang sariling problema’t pangangailangan o pagkain nila sa iisang pinggan
sá•pid : bagay na naiiwan o dumi-rikit sa bibig ng sisidlan matapos magbuhos o anumang katulad na aksiyon
sá•pi•li•tán 1: kinukuha ang pagsang-ayon o pagsunod sa pamamagitan ng paulit-ulit na paghimok, o sa pamamagitan ng dahas 2: kailangang sundin alinsunod sa batas, kaugalian, at tuntuning panlipunan
sa•pín 1: anumang inilalagay sa ilalim ng isang bagay na nagsisilbing takip, proteksiyon, o kutson 2: kórtso 3: pánti 4: tela na inilalagay sa síya