se•dán 1: upuan sa loob ng isang tíla kahon na kinakabitan ng pahalang na mga baras at ginagamit sa pagbuhat ng isang tao 2: kotse para sa apat o higit pang katao
sé•dang-dá•hon 1: baging (Argyrea nervosa) na tumataas nang 15 m 2: uri ng yerba (Agla-onema commutatum) na marisoma, may mga dahong 20 sm ang habà at 6 sm ang lapad, medyo lungtian ang ibabaw na may mga bátik na abuhin
se•da•tí•ba 1: nakapagpapakalma 2: nakaaalis ng sakít, pagkairita, o anumang matinding damdamin, gaya ng gamot na nakaaalis ng sakít