sing•ká•ban 1: may palamuting arko na ginagamit kung pista, maaaring nakatirik sa daanan o binubuhat kung prusisyon 2: kahoy na dinisenyo, inukit, o pinintahan 3: pansamantalang arkong itinatayô tuwing Linggo ng Palaspas, palatandaan ng pagsasalubong ni Hesus at ni Maria sa Galilea
sing•kád : paraan ng pagsa-sabi sa isang buong sukat gaya sa “sandipang singkad,” o isang buong bilang gaya sa “santaóng singkad” at “maghapong singkad”
sing•káw : gamit na isinusuot sa ibabaw ng batok ng hayop, gaya ng kalabaw, para sa paghila ng araro, kariton, at iba pa
sing•kíl 1: pagsiko o pagbundol sa síko ng kapuwa 2: sayaw na nagsa-sadula sa pagtatanggol ni Prinsipe Bantugan kay Prinsesa Gandingan 3: bumbong ng kawayan, may tatangnan, at ginagamit na pansalok ng tubig