si•bu•káw : palumpong (Caesalpinia sappan) na mapulá ang kahoy at nakukuhanan ng pangkulay o dampol na pulá
si•bú•yas : yerba (Allium cepa) na may bulbong maanghang ang lasa, manipis ang balát, at mahahabà ang dahon, ginagamit na rekado o pampalasa ng pagkain
sic (sik) : karaniwang nása panaklong, tumitiyak o tumatawag ng pansin sa anyo ng sinipi o kinopyang salita
siciliano (si•si•li•yá•no) : sayaw, awit, o piyesang instrumental sa kompás na 6/8 o 12/18, malimit sa minor key at nagpapagitaw ng damdaming pastoral
sick bay (sik bey) 1: bahagi ng barko na ginagamit bílang ospital 2: anumang silid o katulad para sa maysakít
Si•dá•pa : diwatang nagmamar-ka sa punòngkahoy kung gaano kahabà ang itatagal na búhay ng bagong-silang
sí•day 1: tulang bayan ng Panay at Negros tungkol sa pag-ibig 2: awiting-bayan na may pag-uulit ng mahabàng linya at inaawit upang pumuri, magkuwento ng búhay ng mga ninuno, at magpahayag ng paghanga sa ganda ng isang babae