siphon (sáy•fon) : túbo na ginagamit sa pagsipsip ng likido mu-la sa isang sisidlan patungo sa isa pa
si•pì 1: kopya o isyu ng isang limbag na babasahín 2: anumang kinopya mula sa ibang akda na may karam-patang pagkilála sa awtor o itinalâ ayon sa sinabi ng ibang tao 3: pagbalì o pagpútol ng usbong sa pamamagitan ng mga daliri 4: maliit na sangáy ng ilog 5: pumpón ng iba’t ibang bulaklak 6: mapagkupkop o pagtutu-ring na kamag-anak kahit hindi 7: dayami ng palay
sí•pi•lís : sakít na nakukuha sa pakikipagtalik, nakaha-hawa, at nagsisimula ang impeksiyon sa genitalia hanggang lumaganap sa butó, lamán, at utak
sí•pit 1: kasangkapang ginagamit na pangkuha ng bága 2: kasangkapang tulad ng tiyani 3: pinakakamay ng crustacean tulad ng alimango, alimasag, hipon, at iba pa 4: pagputol sa sunóg na mitsa ng kandila