sis•té•ma 1: a set ng mga bagay o bahagi na magkakaugnay b ang mga bahagi nitó 2: set ng mga kasangkapang umaandar nang magkakasáma 3: a sa pisyolohiya, set ng mga organ sa katawan na may magkakatulad na es-truktura o funsiyon b ang katawan ng tao o hayop sa kabuuan 4: a lawas ng teorya o praktika na nauugnay sa isang tiyak na uri ng pamahalaan, relihiyon, at iba pa b kasalukuyang kaayusang pampolitika o panlipunan 5: isa sa pitóng uri ng estruktura ng kristal 6: pangunahing pangkat ng stratum sa heolohiya 7: pangkat ng mga lawas na magkakaugnay na gumaga-law sa iisang mass, enerhiya, at iba pa
sis•té•mang sen•ti•mé•tro-grá•mo-se•gún•do : sistema ng pansúkat na gumagamit ng sentimet-ro, gramo, at segundo bílang batayang yunit ng habà, mass, at panahon
sister (sís•ter) 1: kapatid na babae 2: a matalik na kaibigang babae b kasámang babae sa isang unyon, sekta, at iba pa 3: kasapi sa isang pambabaeng ordeng panrelihiyon
sí•tan 1: masasamâng espíritu 2: larong pambatà, inihahagis paitaas ng mga kalahok ang kalahati ng bao ng niyog at ang bumagsak nang nakatihaya ay tina-tawag na “sitan.”
si•ta•rá : instrumentong may kahong pampatunog, maraming kuwerdas, tinutugtog sa pamamagitan ng plektro at mga daliri
si•tas•yón 1: papuring hayagan 2: katibayan ng pagpapahalaga o pagkilála 3: utos na humarap sa hukuman 4: pagsipi sa akda ng isang awtoridad
sit-down strike (sít dawn is•tráyk) : welga ng mga manggagawà na tumatangging lumisan sa kanilang pinagtatrabahuhan