si•lá 1: pang-maramihan ng siya, na nása ikatlong panauhan hal, “Sila ang mga kaibigan ko.” 2: ginagamit na panghalip na pamitagan hal, “Sila ang aking guro.”
si•lá•bi•kó 1: binubuo ng isang pantig o mga pantig 2: maliwanag na pagbigkas sa mga pantig 3: hinggil sa panulaang batay sa bílang ng mga pantig na naiiba sa panulaang nasasalig sa diin at kantidad 4: may pantig na inaawit sa isang nota o bawat nota
si•lá•his 1: sinag2 2: kulumpon ng ulap na nilalabasan ng sinag 3: baklang pumapatol sa kapuwa lalaki at babae
si•lak•bó 1: unang tanda ng pagkulo, pagbulbok, o pagsulak 2: paglipad ng maraming alikabok 3: malakas na buga ng apoy 4: biglang pagkagalit