sung•kâ, súng•ka : laro ng dala-wang tao na naghuhulog ng bató o sigay sa 14 bútas ng kahoy na pari-habâ
sung•kád 1: tingnang mabuti o suriin nang masinop ang anuman 2: mahuling nagsisinungaling ang isang tao
sung•kál 1: pag-huhukay o pagbunot sa pamamagitan ng nguso, gaya ng ginagawâ ng baboy 2: paglalagay ng kalang o kalso upang mabuhat ang isang mabigat na bagay 3: pamamaraan o estratehiya upang matálo ang kalaban
sung•kár 1: paghahambing ng sukat ng isa sa iba 2: pagsukat sa laman ng sisidlan sa pamamagitan ng isa pang sisidlan