ta•li•mu•wáng 1: pagmamaang-maangan 2: pagpapása ng pana-nagutan sa iba 3: pagtanggi sa pama-magitan ng salungat na pangangat-wiran
ta•lin•du•wâ 1: mapang-abusong sistema ng pagpapautang, binaba-yaran ng magsasaká ang maylupa nang 50 porsiyentong interes sa halagang inutang pagdating ng anihan 2: sa sinaunang lipunan, kasunduang magmamana ang am-pon ng kalahati ng halagang ibina-yad sa pag-aampon 3: pagbili ng tatlong bagay sa halaga ng dalawa o ng dalawang bagay sa ha-laga ng tatlo
talingdao (ta•ling•dáw) 1: isa sa dalawang pinakapo-pular na anyo ng awiting-bayan ng mga Tagalog, may dramatikong estruktura dahil may nauuna sa pag-awit at may sumasagot 2: awit na nagsasagutan ang isang babae at isang laláki
ta•ling•ha•gà 1: mapagbuong simulain ng isang akda, lalo na ka-ugnay ng malikhaing pangangasi-wa sa tayutay at retorika 2: pang-ilalim na kahulugan ng isang pahayag 3: hiwagà1
ta•ling•há•gan : sa mga Agta sa Bataan, tawag sa awit na nag-lalahad ng mga huling habilin, hiling, at pamamaalam ng isang naghihi-ngalo