ta•rek•ték 1: pangkala-hatang tawag sa damong-dagat (Thalasia spp.) 2: huni ng tandáng hábang gumigiri sa inahing manok.
tar•ha•nâ 1: lihim ng anu-mang negosyo na inaareglo 2: pa-lihim na babalâ sa sinuman tungkol sa isang bagay.
tar•hé•ta : maliit na kard na may nakasulat o nakalim-bag na pangalan ng isang tao, tiráhan nitó, at bílang ng telepono
ta•rì 1: kasang-kapang manipis ang talim na inila-lagay sa binti ng manok na isasa-bong 2: paghiwà nang pahaba, tulad sa sardinas upang lagyan ito ng asin.
ta•rík•tik : pinakamaliit na kalaw sa Filipinas (Penelopides panini), itim ang balahibo sa likod at pakpak at maruming puti na may maputlang dilaw ang balahibo sa leeg at tiyan
ta•rí•ma 1: platapormang natitinag 2: higáan sa bilang-guan 3: sa sinaunang lipunang Bisaya, uri ng gintong hikaw para sa laláki.