ta•ga•ma•síd 1: tao na nagbabantay at gumagabay sa mga manggagawa, sa mga gawain, sa proyekto, at iba pa 2: tao na sumusubaybay at nagbibi-gay ng opinyon sa takbo ng pang-yayari
ta•gán : isdang-tabáng (Pritis microdon) na may mahabàng nguso na parang lagari, humahabà nang 1 m, abuhin ang sapad na katawan na may maraming tinik na maliliit, kulay tsokolate, at dilaw ang dulo
ta•ga•pag•ba•li•tà : ang tao o opisyal na may tungkuling magpalaganap ng balita hinggil sa isang samahan
ta•ga•pág•pa•ga•náp 1: tagagawâ ng bagay-bagay 2: a sangay ng pamahalaan na nanganga-siwa at nagpapatupad ng mga batas at namamahala sa mga gawain ng isang bansa b tao o mga tao na bu-mubuo sa sangay na ito 3: tao na nagpapatupad sa mga gawain ng isang korporasyon o katulad