ta•kí•pan 1: mapang-abusong sistema ng pagpapautang, binabayaran ng magsasaká ang maylupa nang doble pagdatíng ng anihan 2: pagtutulungang itagò ang isang lihim 3: pugáhan (Caryota rumphiana)
ta•kíp-a•sín : maliit na punongkahoy (Macaranga bicolor), 8 m ang taas, malago ang mga da-hon na may mahabàng tangkay
ta•kíp-ku•hól : haláman (Cen-tella asiatica) na hugis bató ang lungtiang dahon, mabalahibo ang tangkay, at kulay lilà ang bulaklak
ta•kip•sí•lim 1: dápithápon 2: la-rong hulaán, pinipiringan ang matá ng taya, paiikutin nang tatlong beses at kailangang may mahúli siyang kalarong huhulaan ang pangalan