ta•la•hú•ra : uri ng ka-wayan na tumutubò sa baybayin, nakakain ang bunga, at naipangga-gamot ang katas
ta•lá•kay 1: pag-uusap ng dalawa o higit pang tao tungkol sa isang tiyak na paksa upang maunawaan o maláman ang katotohanan 2: pagpapaliwanag sa isang tiyak na paksa
tá•la•kí•tok : isdang-alat (Carangoi-des auroguttatus) na biluhabâ ang katawan, mahabà ang palikpik, matambok ang batok, at kulay abo ang kaliskis
ta•lá•kop 1: nakapaligid na ba-kod o pader 2: labanán2 3: malakíng lambat at gamit ng mga mangingisda sa Batangas sa paghuli ng kawan ng sardinas, hasa-hasa, at alumahan