ta•pá 1: pinausukang isda o paraan ng pagpapausok sa isda upang hindi masira 2: pagpapatuyo ng anuman sa apoy.
tá•pa 1: karneng hiniwa nang manipis at pinatuyô sa araw 2: kasama sa kasunduan 3: pulbos na inilalagay sa alak.
tá•pang 1: ang pagiging walang takot 2: bisà o kapasidad sa pag-dudulot ng reaksiyon gaya ng tapang ng alak, sukà, at iba pa
ta•páng•ko : ang síbi o medya agwa na may katamtamang habà at kitid bílang panganlong laban sa init ng araw o ulan.
tá•pas 1: tálop o pagtálop, gaya ng pag-aalis ng balát ng niyog 2: pagpapatalas sa mapurol at pag-aalis ng tulis sa matulis 3: mga pulútan.