ta•pî 1: sinaunang saplot 2: tapik na may lambing 3: pagpisa o pagpipi gamit ang mga kamay tulad ng pagmasa 4: bága 5: tagpi1 o pagtatagpi 6: kasuotang ginagamit kapag nagluluto, naglilinis at iba pa na pantakip sa harap na bahagi ng ka-tawan upang hindi madumihan ang suot na damit 7: tablá.
ta•pi•lán : leguminosong halá-man na may maraming butó na katulad sa paayap, nakakain ngunit karaniwang ginagamit na pakain sa mga kabayo.
ta•pi•lók : aksidenteng pagtapak ng isang paa sa isang hindi pantay o tabinging rabaw at karaniwang nagdudulot ng pagkalingat o pilay ng sakong
ta•pí•se•rí•ya : makapal na telang hinabi na may mga mapalamuting disenyo o la-rawan, ginagamit na pansabit sa dingding o pansapin sa muwebles