tí•me•sís : paghahati o paghihiwalay sa mga bahagi ng tambalang salita sa pamamagitan ng salita o mga salita, hal be thou ware = beware.
timetable (taym•téy•bol) 1: talahanayan ng iskedyul na nagpa-pakíta ng mga oras ng pagdatíng at pag-alis ng mga tren, eroplano, at iba pa 2: anumang iskedyul o plano na nagtatakda ng mga gawain o pangyayari.
time zone (táym zown) : isa sa dalawampu’t apat na rehiyon o dibisyon ng globo, halos sumasa-bay sa mga meridyan sa sunod-sunod na mga oras mula sa obser-batoryo ng Greenwich, England.
timing (táy•ming) 1: tamang tiyempo sa isang pagkakataon o gawain upang makamit ang pinaka-magandang resulta 2: pamamaraan ng pag-obserba o pagtatalâ ng oras na lumampas sa itinakdang oras sa paligsahan, proseso, at iba pa 3: pagsasáma-sáma ng iba’t ibang bahagi ng produksiyon para sa magandang epekto ng pagtatanghal.
ti•mò 1: natusok ng anumang matulis ang dulo 2: malalim ang tagos o baón 3: náhúli o naku-lóng sa mga bútas ng lambat.
timocracy (ti•mó•kra•sí) 1: uri ng pamahalaan na pag-ibig sa dangal ang pangunahing simulain 2: uri ng pamahalaan na kinakailangang may ari-arian ang sinumang magnais maging pinunò.
tí•mog 1: direksiyon sa kaliwa ng isang tao na nakaharap sa lubugan ng araw 2: rehiyon o distrito sa direksiyong ito
ti•món 1: isang malapad, sapád, at naigagalaw na piraso ng kahoy o metal na idinudugtong sa popa ng bangka o barko, at ginagamit na patnubay 2: patnúbay2