ti•mò 1: natusok ng anumang matulis ang dulo 2: malalim ang tagos o baón 3: náhúli o naku-lóng sa mga bútas ng lambat.
timocracy (ti•mó•kra•sí) 1: uri ng pamahalaan na pag-ibig sa dangal ang pangunahing simulain 2: uri ng pamahalaan na kinakailangang may ari-arian ang sinumang magnais maging pinunò.
tí•mog 1: direksiyon sa kaliwa ng isang tao na nakaharap sa lubugan ng araw 2: rehiyon o distrito sa direksiyong ito
ti•món 1: isang malapad, sapád, at naigagalaw na piraso ng kahoy o metal na idinudugtong sa popa ng bangka o barko, at ginagamit na patnubay 2: patnúbay2
Ti•mo•té•o 1: isa sa mga disipulo at kasama ni San Pablo 2: sa Bibliya, alinman sa dalawang aklat sa Bagong Tipan, mga sulat ni San Pablo sa panga-ngalaga ng bagong Simbahan