tí•po 1: pangkat o uri ng mga ba-gay o tao na may parehong kata-ngian 2: tao, bagay, o pangya-yaring nagsisilbing larawan o sim-bolo ang katangian ng iba o ng isang pangkat 3: a sa pagli-limbag, piraso ng metal na may nakaangat na letra o titik sa itaas na rabaw b mga nakalimbag na titik na likha nitó 4: kasangkapan para sa alinmang gilid ng medalya o barya 5: organismong mayroon o kabílang sa may maha-lagang katangian ng pangkat nitó
tí•pol : ibon (Grus Antigone sharpei) na mahabà ang leeg at bin-ti, walang balahibo ang ulo, at naka-tatawid sa ilog sa pamamagitan ng paglangoy at paglakad
tí•pon 1: pagsasáma-sáma ng mga tao o mga bagay 2: pagpilì ng mga bagay upang pagsamá-samáhin alinsunod sa uri, antas, at katulad na pamanta-yan, gaya sa katipúnan ng mga akdang pampanitikan
tí•pos del pá•is : sa sining biswal, mga tao na nakabihis ng ka-nilang pang-araw-araw na kasuotan o gumagawâ ng kanilang kinauga-liang trabaho.