tó•ka 1: tungkulin o pagkakataong humawak ng tungku-lin 2: linen o sedang palamuti sa ulo, tumatakip sa leeg at gilid ng pisngi, dáting isinusuot ng mga babae 3: galáng, karaniwang ginto o may hiyas, at iba pa.
to•ka•dór 1: mesang may salamin at drawer, ginagamit kung nag-aayos ng sarili 2: manunugtog ng instrumento sa musika.
tó•ken 1: anumang bagay na nagsisilbing sagisag o tandâ ng isang pangyayari, emosyon, at iba pa 2: bagay na nagsisilbing alaala sa isang pook o pangyayari 3: metal na hugis barya, higit na mataas ang nominal na halaga kompara sa halaga nitó, karaniwang ginagamit bílang kapalit ang isang produkto o serbisyo.
tokenism (tó•ke•ní•sem) : prinsipyo o praktika ng pagkakalo-ob ng limitadong konsesyon, lalo na upang mapahinahon ang radikal na kahilingan.
tó•koy : mesang karaniwang yarì sa makapal na kahoy at may uka sa gitna na nagsisilbing lalag-yan ng mga pinagtabasan ng ginto o bató ng hiyas.