tsán•se•lór 1: titulo o ranggo ng mahalagang hu-kóm at ibang matataas na pinunò 2: punòng tagapangasiwa ng isang pamanta-san
tsá•pa 1: katangi-tanging tandâ o kasangkapang isinusuot upang ipakíta ang ranggo, pagiging kasapi, at iba pa 2: anumang namumu-kod na panandâ o simbolo
tsá•pe•rón : tao, lalo na nakatatandâ o may asawang babae, na sumasáma sa isang batà at wala pang asawa para sa katumpakan ng mga ikinikilos ng hulí o bílang bantay hábang nása labas ng tahanan o nása isang pagtitipon.
tsap•súy : puta-heng karne na iginisang may kasá-mang sari-saring gulay, karaniwang repolyo, toge, carrot, at iba pa
tsa•ré•ra : lalag-yang may buhusan, hawakán, at takip, ginagamit sa pagtitimpla ng tsa at sa pagsasalin nitó
tsart 1: talatakdaan 2: mapa na nagpapakíta sa baybayin, batuhán, kinatatayuan ng mga parola, lalim ng dagat, at iba pang impormasyong gamit ng magdaragat
tsár•ter 1: a naka-sulat na pagbibigay ng karapatan ng isang lehislatura, lalo na sa pag-bubuo ng isang bayan, kompanya, unibersidad, at iba pa b nakasulat na konstitusyon o paglalarawan ng mga funsiyon ng isang organisas-yon, at iba pa 2: kontrata sa pag-upa ng isang eroplano, barko, at katulad para sa isang natatanging layon
tsáw•min : putaheng Tsino-Amerikano, binubuo ng nilagang karne, sibuyas, celery, toge, at iba na inihahaing may kasámang pritong pansit.