tú•log 1: pansaman-talang pagtigil ng pandamá 2: pagiging hindi aktibo o walang gamit 3: ang pakiramdam na dehado o posibleng matálo gaya sa “May túlog tayo sa baksing” 4: pagtigas, gaya ng natulog na langis o mantika
tú•long 1: gamit, pera, o serbisyo na ibinibigay sa nangangailangan 2: pagbibigay ng gamit, pera, serbisyo sa nangangailangan
tú•los : piraso ng kahoy, kawa-yan, o metal na may tulis sa isang dulo, karaniwang ginagamit na pambakod o kabítan ng sampáyan kung mahabà, at kabítan ng serga o suga kung maikli
Tu•lóy! 1: paanyaya ng pagpapa-pasok sa isang panauhin sa loob ng bahay, opisina, at katulad 2: pahayag ng pagpapalakas ng kalooban ng isang tao upang gawin o abutin ang nais