waive (weyv) 1: tumalikod o talikuran 2: magpaliban o ipagpaliban 3: kusang talikuran o pabayaan ang sariling karapatan, paghahabol, at katulad
waiver (wéy•ver) 1: kusang pagtalikod o pagtatakwil sa karapatan o paghahabol 2: nakasulat na pahayag sa aksiyong ito
wa•kás 1: ang panghulíng bahagi ng anuman, lalo na sa isang yugto ng panahon, isang gawâin, o isang salaysay 2: pagliliwanag ng langit 3: paglilibing o pakikipaglibing sa patay