yá•kis 1: pingkian ng mga espada 2: paghahasa ng patalim sa bató o katad 3: pagkukuskos ng anuman sa rabaw ng isang bagay
yak•yák 1: pagkalagas ng mga dahon ng haláman o punongkahoy; pagkapigtal ng mga talulot ng bulaklak 2: a inggít1,2 b panibugho 3: pag-una nang walang lingon-likod o pagsasaalang-alang sa iba 4: pagiging mabilis magpasiya
yá•man 1: malakíng kantidad ng salapi, mahalagang ari-arian, at iba pa 2: pagiging sagana sa isang bagay 3: a anumang bagay na may halagang maipagpapalit sa ibang bagay b bagay na hindi maipagbibili o maipagpapalit 4: lugód1