• Bá•gong Ta•ón

    png | [ bago+na taon ]
    :
    unang araw sa buwan ng Enero

  • bá•gong

    png | [ Igo ]
    :
    kaluluwa ng isang tao na napugutan ng ulo.

  • ta•ón

    png
    1:
    panahon na binubuo ng 365 araw at 366 kapag bisyesto; nahahati sa 12 buwan at nagsisimula sa 1 Enero
    2:
    habà ng panahong binubuo ng 365 araw, 5 oras, 48 minuto, at 45.51 segundo; tagal ng isang ganap na pag-ikot ng mundo sa araw
    3:
    a pag-kaganap nang magkasabay sa isang pook o panahon, gaya sa “nagkataon” b posibilidad ng gayong pangyayari

  • bág-ong

    png | [ ST ]
    :
    mahabà at umuugong na boses

  • Bág-ong Yáng•gaw

    png | Mit | [ Hil ]
    :
    aswang na kumakain at umiinom ng dugo ng tao.

  • Bá•gong Ti•pán

    png | [ bago+na tipan ]
    :
    dalawampu’t pitóng aklat sa Bibliya na nagtatalâ ng búhay, ministro, kamatayan sa krus, at muling pagkabúhay ni Hesukristo at ang mga turo ng Kaniyang mga apostol

  • bi•si•yes•tóng ta•ón

    png | [ Esp Tag bisiesto+ taon ]
    :
    leap year

  • ta•ón lí•gid

    png | Psd
    :
    pansilo ng isda, gawâ sa nilálang patpat ng kawayan.